Part 2: Ang Banal na Kasulatan – Hiningahan ng Diyos
16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Review: Part 1: Ang Kahalagahan ng Salita ng Diyos - Pamantayan sa pananampalataya at maayos na pamumuhay.
Introduction: Ang mga guro at estudyante ay nagdadala ng tamang aklat sa bawat subject. Hindi maaring gumamit ng mathematics book sa english class. Subalit ang Bibliya ay hindi pangkaraniwang aklat.
Ang salitang “kinasihan” sa 2 Timoteo 3:16 ay mula sa Griyegong theopneustos na ibig sabihin ay “hiningahan ng Diyos” (God-breathed).
Ang tao din noong lalangin ng Diyos ay hiningahan Niya upang magkaroon ng buhay - Gen. 2:7
Ang Banal ba Kasulatan ay hiningahan Niya upang magbigay buhay sa mga tao.
Juan 1:1-5 MBBTAG12 [1] Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. [2] Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. [3] Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. [4] Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. [5] Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Ibig sabihin nito:
Ang Kasulatan ay mula mismo sa Diyos, hindi lamang gawa ng tao.
Ang mga manunulat ng Biblia ay gumamit ng kanilang sariling estilo at salita, ngunit pinatnubayan sila ng Espiritu Santo upang maisulat ang nais ipahayag ng Diyos.
Kaya’t ang Biblia ay may awtoridad at katiyakan dahil ang pinagmulan nito ay ang Diyos mismo.
a. Ang Kabuuan ng Kasulatan
Nilalaman ng Kasulatan
Luma at Bagong Tipan (39 + 27 aklat)
Ang Kanon ng Kasulatan
Hiningahan ng Diyos ang bawat aklat
Ang mga aklat ng Luma at Bagong Tipan ay inspirasyon ng Espiritu Santo.
Ang Lumang Tipan ay ang unang bahagi ng Biblia na naglalaman ng mga kasulatan bago dumating si Jesu-Cristo. Tinatawag din itong Hebrew Scriptures o Tanakh sa tradisyong Hudyo.
Ang mga aklat ng Lumang Tipan ay binubuo ng Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, Deuteronomio, Josue, Mga Hukom, Ruth, Unang Samuel, Ikalawang Samuel, Unang Mga Hari, Ikalawang Mga Hari, Unang Cronica, Ikalawang Cronica, Ezra, Nehemias, Ester, Job, Mga Awit, Kawikaan, Eclesiastes, Awit ni Solomon, Isaias, Jeremias, Panaghoy, Ezekiel, Daniel, Oseas, Joel, Amos, Obadias, Jonas, Mikas, Nahum, Habakuk, Zefanias, Hagai, Zacarias, at Malakias.
Ang Pentateuko (Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, Deuteronomio) ay ang unang limang aklat ng Biblia na nagsasalaysay ng paglikha ng mundo, pagkahulog ng tao, pagpili ng Diyos sa Israel, pagliligtas mula sa Ehipto, pagbibigay ng Kautusan, at paghahanda ng bayan para sa Lupang Pangako.
Ang Bagong Tipan ay ang bahagi ng Biblia na nagsasalaysay ng bagong tipan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo para sa kaligtasan ng lahat ng sumasampalataya.
Ang mga aklat ng Bagong Tipan ay binubuo ng Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Mga Gawa, Roma, Unang Corinto, Ikalawang Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, Unang Tesalonica, Ikalawang Tesalonica, Unang Timoteo, Ikalawang Timoteo, Tito, Filemon, Hebreo, Santiago, Unang Pedro, Ikalawang Pedro, Unang Juan, Ikalawang Juan, Ikatlong Juan, Judas, at Apocalipsis.
Apocrypha
Ang mga aklat ng Apocrypha (dagdag na aklat na matatagpuan sa Septuagint at ginagamit sa Katolikong at Ortodoksong Biblia) ay binubuo ng Tobit, Judith, Karunungan ni Solomon, Ecclesiasticus o Sirach, Baruc, Unang Macabeo, Ikalawang Macabeo, mga dagdag sa Ester, at mga dagdag sa Daniel (Azarias at ang Awit ng Tatlong Kabataan, Susana, at Bel at ang Dragon).
Hindi bahagi ng Kasulatan.
Walang kapangyarihan para sa pananampalataya at kaligtasan.
Prinsipyo: Hindi lahat ng sinulat ng tao ay Salita ng Diyos — tanging ang Kanon lamang ang may awtoridad.
Buo at kumpleto ang kapahayagan ng Diyos.
Layunin ng Kasulatan
Gabay sa pananampalataya at buhay (2 Tim. 3:16).
Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay...
Tanging pamantayan ng katotohanan.
Prinsipyo: Ang Salita ng Diyos ay hindi kulang at hindi sobra — sapat ito para sa kaligtasan.
b. Ang Awtoridad ng Kasulatan
Nagpapatotoo sa sarili
Hindi nakadepende sa tao o Iglesia (Gal. 1:8-9).
Ang Diyos mismo ang may-akda kaya’t tunay at walang kamalian.
Dapat tanggapin at sampalatayanan
Dahil ito’y Salita ng Diyos (Juan 10:35).
Prinsipyo: Ang Biblia ay hindi lamang aklat ng tao, ito ay mismong tinig ng Diyos.
c. Ang Pananagutan ng Mananampalataya
Pagkilala sa kapangyarihan ng Kasulatan
Dapat itong pag-aralan, paniwalaan, at sundin.
Pagsasabuhay ng aral ng Salita ng Diyos
Maging gabay sa lahat ng desisyon, pamumuhay, at pananampalataya.
Prinsipyo: Ang tunay na pananampalataya ay nasusukat sa pagsunod sa Salita ng Diyos.
Pangwakas na Panawagan
Mga kapatid, ang Biblia ay hindi lamang koleksyon ng mga aklat. Ito ay buhay na Salita ng Diyos na dapat nating pahalagahan, paniwalaan, at isabuhay. Huwag tayong magtiwala sa tradisyon o kuro-kuro ng tao, kundi sa tanging pamantayan ng ating pananampalataya: ang Banal na Kasulatan.
"Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran." – 2 Timoteo 3:16