Part 1: Ang Kahalagahan ng Salita ng Diyos
16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Tanong: “Ano ang Biblia para sa’yo? Isang ordinaryong libro lang ba? Kasaysayan lamang? O tunay na Salita ng Diyos?”
Ilustrasyon: Kung makakatanggap ka ng personal na liham mula sa isang hari, iingatan mo ito. Ang Biblia ay mismong liham ng Diyos para sa atin.
Ang Biblia ay Hiningahan ng Diyos (God-Inspired) - “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa maling gawain, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.” (2 Timoteo 3:16–17)
Ang Biblia ay hindi lang gawa ng tao kundi mismong kinasihan ng Espiritu ng Diyos.
Ang Biblia ay Buhay at Makapangyarihan
“Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Ito ay mas matalim kaysa alinmang tabak na may dalawang talim…” (Hebreo 4:12)
Kahulugan: Ang Biblia ay hindi patay na letra—ito ay makapangyarihan upang baguhin ang buhay.
a. Ang Likas na Pagpapahayag ng Diyos
📖 Roma 1:20 – “Mula pa nang lalangin ang sanlibutan, makikita na ng tao ang di-nakikitang katangian ng Diyos—ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos, sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ginawa.”
Nakikita natin ang Diyos sa kalikasan. Ang bundok, dagat, mga bituin—lahat ay patunay ng Kanyang kapangyarihan.
Halimbawa/Ilustrasyon: Kapag nakita mo ang isang magandang painting, alam mong may pintor. Kapag nakakita ka ng cellphone, alam mong may gumawa. Ganoon din, ang kalikasan ay patunay na may Manlilikha.
Pero, sapat ba ang kalikasan para makilala ang daan ng kaligtasan? Hindi.
b. Ang Kahalagahan ng Pagpapahayag ng Diyos sa Banal na Kasulatan
Hebreo 1:1-2 – “Noong unang panahon, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang paraan, ngunit ngayon sa mga huling araw na ito ay nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak.”
Oo, makikilala natin na may Diyos sa kalikasan, pero hindi nito tinuturo kung paano maliligtas ang tao.
Kaya ipinahayag ng Diyos ang Kanyang salita, una sa pamamagitan ng mga propeta, at ngayon sa pamamagitan ni Jesus at ng Banal na Kasulatan.
Halimbawa/Ilustrasyon:
Isipin mong may nawawala sa gubat. Nakikita niya ang mga puno at ilog, alam niyang may gumawa ng lahat. Pero kung gusto niyang makauwi, kailangan niya ng mapa. Ganoon din tayo—ang kalikasan ay patunay ng Diyos, pero ang Bibliya ang gabay (mapa) tungo sa ikaliligtas ng tao.
c. Ang Layunin ng Kasulatan
2 Timoteo 3:16-17 – “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, pagsaway sa mali, pagtutuwid sa liko, at pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging handa sa lahat ng mabubuting gawa.”
Ang Salita ng Diyos ang ating gabay sa:
Pagtuturo – para malaman ang tama.
Pagsaway – para itama ang mali.
Pagtutuwid – para maitama ang ating daan.
Pagsasanay – para lumago sa pananampalataya.
Halimbawa/Ilustrasyon:
Parang manual ng sasakyan. Kapag nasira ang kotse mo, hindi sapat ang hula-hula. Kailangan mong sundin ang manual ng gumawa. Ganoon din, ang Diyos ang gumawa sa atin, at ang Bibliya ang manual ng ating buhay.
d. Bakit Kailangan Natin ang Kasulatan Ngayon
Awit 119:105 – “Ang salita mo ay ilawan sa aking mga paa at liwanag sa aking daraanan.”
Dahil sa kasalanan, sa panlilinlang ni Satanas, at sa tukso ng mundo—kailangan natin ng maliwanag na patnubay.
Noon, nangungusap ang Diyos sa mga propeta at pangitain. Pero ngayon, ang Kanyang buong kalooban ay naisulat na sa Biblia.
Halimbawa/Ilustrasyon:
Parang isang flashlight sa dilim—kung wala nito, madadapa ka. Pero kapag may ilaw, makikita mo ang tamang daan. Ganoon ang Salita ng Diyos sa buhay natin.
Pangwakas na Pagninilay
Nakikita natin ang Diyos sa kalikasan, pero ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa Salita ng Diyos.
Ang Biblia ang kompletong gabay—hindi nagkakamali, sapat, at kailangan para sa ating pananampalataya at pamumuhay.
Tanong para sa atin lahat:
Ginagamit ba natin ang Bibliya bilang ating pangunahing gabay sa buhay, o nakikinig lang tayo sa sariling isip at sa mundo?
Mateo 4:4 – “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.”
Panawagan / Invitation
Mga kapatid, kung nais nating lumakad ng matuwid, lumago sa pananampalataya, at maging handa sa bawat pagsubok, basahin natin at isapamuhay ang Salita ng Diyos araw-araw.
Panalangin:
“Panginoon, salamat sa Iyong Salita na gabay namin sa buhay. Turuan Mo kaming araw-araw itong basahin, unawain, at isabuhay, upang kami’y manatili sa Iyong kalooban. Amen.”