Ang bautismo at ang Banal na Hapunan ay mga ordinansiya na maliwanag at makapangyarihang itinatag ng Panginoong Jesus na Siyang tanging tagapagbigay ng kautusan.(1) Ang mga ito ay dapat ipagpatuloy sa Kanyang iglesia hanggang sa katapusan ng sanlibutan.(2)
(1) Mat. 28:19-20; 1 Cor. 11:24-25; (2) Mat. 28:18-20; Lu. 22:14-20; Ro. 6:3-4; 1 Cor. 1:13-17; 11:26; Gal. 3:27; Ef. 4:5; Col. 2:12; 1 Ped. 3:21;
Ang mga banal na ordinansiyang ito ay dapat lamang pangasiwaan ng mga nararapat at tinawag na gumawa ng gayon, ayon sa utos ni Cristo.(3)
(3) Mat. 24:45-51; 28:19; Lu. 12:41-44; 1 Cor. 4:1; Tit. 1:5-7;