Ang iLearn ay isang lingguhang pag-aaral ng Salita ng Diyos na tumutulong sa atin na lumago at tumibay sa ating spiritual na buhay. Isa itong paraan ng MCCF para sundin ang utos ni Jesus (great commission) na turuan ang bawat mananampalataya na sumunod sa lahat ng ipinag-uutos Niya sa atin.
Simple lang ang goal ng iLearn: mas makilala ang Panginoong Hesus, mas maunawaan ang Kanyang kalooban, at matutong sumunod sa Kanya araw-araw. Sama-sama tayong natututo, nagkakaisa, at lumalalim sa pananampalataya—step by step, week by week.