I. Panimula
Marami ang nagtatanong: “Kapag ba ako’y naligtas, ligtas na ako magpakailanman?”
Ang doktrina ng Once Saved, Always Saved (OSAS) ay nagtuturo na ang tunay na mananampalataya ay hindi na mawawala sa kamay ng Diyos.
Gayunpaman, dapat nating kilalanin ang pagkakaiba ng backsliding (pansamantalang pagkadapa ng tunay na Kristiyano) at apostasy (pag-alis ng huwad na mananampalataya na hindi kailanman naging ligtas).
Idadagdag natin ang mga ilustrasyon ng 7 iglesya sa Pahayag, ang talinhaga ng puno ng ubas at mga sanga, at ang mga salita ni Jesus tungkol sa Kanyang mga tupa na nakikinig sa Kanyang tinig, pati na rin ang pagsunod bilang ebidensya ng tunay na kaligtasan.
II. OSAS: Mga Katotohanan ng Katiyakan
Si Cristo ang nag-iingat
Juan 10:28–29 – “Kailan man ay hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”
Tinatakan ng Espiritu Santo
Efeso 1:13–14 – “…tinatakan ng Espiritu Santo… na siyang patotoo sa ating mana.”
Ang Diyos ang nagsimula at magtatapos
Filipos 1:6 – “Ang nagpasimula ng mabuting gawa ay siya ring magtatapos.”
Walang makapaghihiwalay
Roma 8:38–39 – “Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.”
Ilustrasyon ng Takbuhan (Heb. 12:1–2; 1 Cor. 9:24):
Ang Kristiyano ay nasa isang takbuhan. May nadadapa, bumabagal, napapagod. Ngunit lahat ng tunay na mananampalataya ay tiyak na makakarating sa finish line dahil si Cristo ang nagbibigay-lakas.
III. Backsliding at Apostasy
1. Backsliding (Pagkadapa/Paglayo sandali)
Kahulugan: Pansamantalang paglayo ng isang tunay na mananampalataya dahil sa kahinaan, tukso, o kasalanan.
Halimbawa:
Si Pedro na tatlong beses na ikinaila si Jesus (Mateo 26:69–75).
Ngunit muli siyang pinatawad at ginamit ni Cristo (Juan 21:15–17).
Kalagayan: Siya ay nananatiling ligtas dahil si Cristo ang nag-iingat.
Aral: Ang tunay na mananampalataya ay maaaring madapa ngunit hindi tuluyang mawawala.
Kawikaan 24:16 – “Sapagkat ang matuwid ay nabubuwal na makapito at bumabangon uli…”
2. Apostasy (Pagtalikod ng Huwad na Pananampalataya)
Kahulugan: Sinasadyang pagtalikod ng mga taong “kasama” sa pananampalataya ngunit hindi kailanman tunay na ligtas.
Halimbawa:
Judas Iscariote (Juan 6:70; Mateo 27:3–5).
Mga huwad na guro (1 Juan 2:19).
Kalagayan: Hindi sila nawalan ng kaligtasan, sapagkat hindi sila kailanman naging ligtas.
1 Juan 2:19 – “Sila’y nagsilabas sa atin, nguni’t sila’y hindi sa atin; sapagka’t kung sila’y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin.”
Aral: Ang apostasy ay ebidensya na hindi kailanman nagkaroon ng tunay na pananampalataya.
Kaibahan:
Backsliding: Totoong ligtas ngunit nadapa pansamantala; ibinabangon ng Diyos.
Apostasy: Hindi kailanman naging ligtas; lumitaw lamang ang tunay na kalagayan.
IV. Tatlong Halimbawa
Kriminal sa krus – huling sandali ng pananampalataya, tiyak ang kaligtasan (Lucas 23:39–43).
Pedro – backsliding ngunit muling ibinalik.
Judas – apostasy, hindi kailanman naging ligtas.
V. Pitong Iglesya sa Pahayag (Revelation 2–3) – Summary Presentation
Efeso – Iniwan ang unang pag-ibig. Kung hindi magsisisi, aalisin ang ilawan (Rev. 2:5).
Pergamo – May ilan sa maling turo; kung hindi magsisisi, lalabanan sila ni Cristo ng tabak ng Kanyang bibig (Rev. 2:16).
Tiatira – Ang sumunod kay Jezebel ay ibabagsak sa malaking kapighatian at lilipulin ang mga anak niya (Rev. 2:22–23).
Sardis – May pangalang buhay ngunit patay. Kung hindi magigising, darating si Cristo na gaya ng magnanakaw (Rev. 3:3).
Laodicea – Maligamgam, hindi mainit o malamig. Isusuka ni Cristo (Rev. 3:16).
Smyrna – Pinuri sa pagtitiis; walang hatol, kundi pangako ng korona ng buhay (Rev. 2:10).
Filadelfia – Pinuri sa katapatan; walang hatol, kundi proteksiyon mula sa oras ng pagsubok (Rev. 3:10).
Lesson: Ang hindi tunay na mananampalataya sa loob ng iglesya ay aalisin, hahatulan, at ibubunyag ang kanilang pagkukunwari (parang gintong dinadalisay sa apoy upang alisin ang impurities). Ngunit ang tunay na ligtas ay mananatili at bibigyan ng gantimpala.
VI. Mga Talinhaga ng Tunay na Pananampalataya
Manghahasik (Mateo 13:1–23) – Ang mabuting lupa ay laging nagbubunga; ito ang ebidensya ng tunay na kaligtasan.
Trigo at Damo (Mateo 13:24–30) – Magkasamang lumalago; sa wakas ihihiwalay.
Sampung Dalaga (Mateo 25:1–13) – Lima ay may langis (Espiritu), lima ay wala.
Asin at Ilaw (Mateo 5:13–16) – Ang tunay na Kristiyano ay hindi natatakpan ang liwanag.
Babala: Ang May Pandinig ay Makinig (Marcos 4:23–25) – Ang tunay na nakikinig ay higit pang bibigyan; ang huwad ay mawawalan pa ng nasa kanya.
VI. Pagtitiyaga Hanggang Wakas
Mateo 24:13 – “Ngunit ang magtitiis hanggang wakas ay siyang maliligtas.”
Sa OSAS: Hindi ito kondisyon kundi ebidensya ng tunay na kaligtasan.
Ang pagtitiyaga ay bunga ng Espiritu (Galacia 5:22–23).
Ang tunay na ligtas ay magtatagumpay sapagkat iningatan ng Diyos.
Ilustrasyon: Tulad ng isang marathon, hindi ang mabilis ang tinitingnan kundi ang nakatapos. Ang tunay na Kristiyano ay laging makakarating sa dulo dahil si Cristo ang ating lakas.
VII. Ako ang Puno ng Ubas (Juan 15:1–8)
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga… ang sanga na hindi namumunga ay pinuputol at itinatapon sa apoy.”
Tunay na mananampalataya → namumunga ng bunga ng Espiritu (Gal. 5:22–23).
Hindi tunay → nalalantang sanga, inaalis at sinusunog.
Lesson: Ang pagbubunga ay dahilan ng kaligtasan at patunay ng koneksyon kay Cristo.
Ilustrasyon: Ang isang sanga na hindi nakakabit sa puno ay matutuyo. Gayundin, ang huwad na mananampalataya na walang tunay na kaugnayan kay Cristo.
VIII. Ang Aking Tupa ay Nakikinig (Juan 10:27–29)
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig… at sila’y binibigyan ko ng buhay na walang hanggan; at kailan man ay hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”
Ang tunay na mananampalataya ay nakikinig at sumusunod kay Cristo.
Ang katiyakan ng kaligtasan ay nakasalalay sa pag-aari ni Cristo sa Kanyang mga tupa.
Hindi lahat ng nasa kawan ay tunay na tupa; ang mga kambing ay ihihiwalay (Mateo 25:31–33).
IX. Pagsunod (Obedience) bilang Ebidensya
Juan 14:15 – “Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.”
1 Juan 2:3 – “Dito natin nalalaman na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kanyang mga utos.”
Ang pagsunod ay hindi kundisyon ng kaligtasan kundi ebidensya ng tunay na kaligtasan.
Ang hindi sumusunod ay nagpapakita na hindi sila tunay na kabilang (Tito 1:16).
Ilustrasyon: Ang isang anak ay sumusunod hindi upang maging anak, kundi dahil siya ay anak. Gayundin, ang Kristiyano ay sumusunod hindi upang maligtas, kundi dahil ligtas na siya at minamahal niya ang Diyos.
X. Makipot at Malawak na Daan (Mateo 7:13–14)
📖 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang nagsisipasok doon. Sapagkat makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakasusumpong noon.”
Malawak na daan: Simbolo ng mga taong relihiyoso ngunit hindi tunay na ligtas. Marami ang dadaan dito dahil madali at maluwag.
Makipot na daan: Simbolo ng mga tunay na ligtas. Kaunti lamang ang lumalakad dito, ngunit ito ang patungo sa buhay.
OSAS Point: Ang pumasok sa makipot na daan (tunay na nanampalataya) ay tiyak na makakarating sa buhay na walang hanggan. Hindi sila lalabas at lilipat sa malapad na daan, sapagkat hawak sila ni Cristo.
Ilustrasyon: Ang makipot na daan ay parang finish line sa takbuhan – mahirap, makitid, at puno ng hamon. Ngunit ang Diyos mismo ang gumagabay sa bawat hakbang ng tunay na mananampalataya.
XI. Aplikasyon
Kung nadapa (backsliding), bumalik sa Panginoon na laging handang magpatawad (2 Pedro 3:9 "Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kanyang pangako, gaya ng inaakala ng iba na pagpapaliban; kundi matiisin sa inyo, na hindi ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.").
Kung may tumalikod (apostasy), kilalanin na hindi sila kailanman naging tunay na ligtas.
Ipakita ang bunga ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga.
Sumunod sa Diyos hindi para maligtas, kundi dahil tayo’y ligtas na.
XII. Konklusyon
Ang OSAS ay katiyakan: ang tunay na ligtas ay ligtas magpakailanman.
Backsliding – pansamantalang paglayo, ngunit ibinabangon ng Diyos.
Apostasy – hindi kailanman ligtas; hahatulan sa huli.
Ang tunay na ligtas ay tulad ng sanga na nakakabit sa puno ng ubas, tulad din ng tupa na nakikinig sa Pastol, at tulad ng paglakad sa makipot na daan patungo sa buhay na walang hanggan.
📖 Hebreo 12:2 – “Tumingin tayo kay Jesus, na siyang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya.”
Main Lesson:
Ang tunay na mananampalataya ay hindi na mawawala. Ang ebidensya ng kanyang kaligtasan ay makikita sa bunga ng Espiritu, pagtitiyaga hanggang wakas, pagsunod sa Diyos, at pamumuhay bilang asin at ilaw sa makipot na daan.