Ang Banal na Kasulatan lamang ang sapat, tiyak at di-maaaring magkamali na tuntunin o pamantayan ng nagliligtas na kaalaman, pananampalataya at pagtalima. Ang kalikasan at gawa ng Diyos ng paglikha at probidensiya, ay nagbibigay ng malinaw na patotoo sa Kanyang kabutihan, karunungan at kapangyarihan na anupa't ang tao na hindi pumapansin sa patotoo nito ay walang maidadahilan. read more...
Mayroon lamang isa, at tanging isang tunay na Diyos. Siya ay nabubuhay sa Kanyang sarili at walang hangganan sa Kanyang pagka-Diyos at kasakdalan. Siya lamang ang dalisay na Espiritu, di-nakikita, walang katawan at mga sangkap na pabagu-bagong damdamin ng mga tao. Siya lamang ang walang kamatayan, at tumatahan sa kaliwanagan na di-kayang abutin ng sinuman. read more...
Mula sa walang hanggang pasimula, itinakda ng Diyos ang lahat ng mangyayari sa panahon. Ito ay Kanyang ginawa na malaya at walang pagpapalit, na sinangguni lamang ang Kanyang sariling marunong at banal na kalooban. Gayon pa man, hindi Siya ang may-akda ng kasalanan ni naging bahagi nito sa anumang paraan. Hindi rin Niya nilabag ang kalooban ng alin mang nilikha; ni isina-isang tabi ang likas na kalayaan ng ikalawang sanhi, bagkus ang mga ito ay itinatag pa nga. read more...
Include the official course description from your institution. Include any other relevant information needed for students or others viewing to understand major themes, prerequisites, or if classes are exclusive for specific majors or degree tracks.
Include the official course description from your institution. Include any other relevant information needed for students or others viewing to understand major themes, prerequisites, or if classes are exclusive for specific majors or degree tracks.