Teksto: Mateo 13:1–23; Marcos 4:1–20; Lucas 8:4–15
I. Panimula
Magandang araw! Alam mo ba na si Jesus ay madalas magturo gamit ang mga talinghaga o kwento mula sa araw-araw na buhay upang ipakita ang katotohanan ng kaharian ng Diyos?
Isa sa mga kilalang talinghaga na Kanyang ibinahagi ay ang tungkol sa magsasaka at ang binhi. Sa dami ng tao na gustong makinig kay Jesus, ginamit Niya ang ganitong paraan para tukuyin ang tunay na tumatanggap sa Kanyang Salita.
(Basahin ang Lucas 8:4–15 bilang pangunahing teksto)
May isang magsasakang naghasik ng binhi—ang binhi ay Salita ng Diyos.
May apat na uri ng lupa:
Tabing Daan
– Hindi nakapasok ang binhi, agad tinuka ng ibon.
– Tulad ng pusong matigas—naririnig pero di iniintindi.
Bato-batohan
– Tumubo agad pero walang ugat; nalanta.
– Tulad ng pusong sabik pero mababaw; umaatras kapag may pagsubok.
May Tinik
– Tumubo pero nasakal ng mga tinik.
– Tulad ng pusong abala sa buhay, pera, at makamundong bagay.
Matabang Lupa
– Tumubo, lumago, at namunga ng marami.
– Tulad ng pusong bukas, tapat, at handang sumunod sa Diyos.
Ang talinghagang ito ay hindi lang tungkol sa pagtanggap ng Salita, kundi sa tugon ng ating puso sa Salita.
Hindi lahat ng nakaririnig ay tunay na tumatanggap.
Ang bunga ay resulta ng isang pusong handang magpasakop sa Diyos.
Pansinin:
Lahat ng uri ng lupa ay nakarinig ng Salita, pero ang bunga ay nanggaling lang sa isang pusong katulad ng matabang lupa.
Tanong #1: Anong uri ng lupa ang kahalintulad ng puso mo ngayon at bakit?
Matigas ba ito? Mababaw? Abala sa mga bagay ng mundo?
O ito ba ay bukas, tapat, at handang tumanggap ng Salita ng Diyos?
Tanong #2: Ano ang mga hadlang sa paglago ng iyong pananampalataya?
Busyness? Kabalisahan? Temptations?
Ano ang kailangan mong isuko o baguhin?
Tanong #3: Paano ka magiging mabuting lupa na namumunga?
Laging nagbabasa ng Salita ng Diyos
May disiplina sa panalangin at fellowship
Bukas sa pagsaway at pagtutuwid
Nagbabahagi ng Salita sa iba
Ang tanong ay hindi lang: “Ano ang narinig mo?” kundi:
“Ano ang tugon ng puso mo sa narinig mong Salita?”
Maging matabang lupa.
Hayaan mong ang Salita ng Diyos ay mag-ugat, lumago, at mamunga sa iyong buhay—hindi lang para sa sarili mong pagbabago, kundi para din sa ibang tao na makakakita ng bunga ni Cristo sa’yo.
Panginoon, salamat sa Iyong Salita. Linisin Mo at baguhin ang aking puso mula sa pagiging matigas, mababaw, at abala. Gawin Mo itong tulad ng matabang lupa na bukas sa Iyong pagtuturo. Patibayin Mo ako sa aking pananampalataya upang ako’y mamunga at magbigay luwalhati sa Iyo. Sa pangalan ng Panginoong Jesus, Amen.